give love!
why don't you give love not only on christmas day, but instead, everyday?!

maybe it comes with the cold air, i don't know, but don't you find that people are generally nicer, more positive, and more generous during christmas time? =p baka less init ulo kasi less din ang init ng panahon. hehe.
for whatever reason, okay na din na mas masasaya ang mga tao pag papalapit na ang december! we looove making those we love happy during christmas time, and i know a lot of people who want to make our less fortunate brothers and sisters happy as well, but just do not know how to go about it.
on charity work, let me tell you this: you don't have to be rich to help others. oo, talagang mas madaling makatulong kapag maraming biyaya sa buhay.. pero kung hindi ka "mayaman" o "maimpluwensiya" o "makapangyarihan", di naman ibig sabihin nun na hindi ka na maaaring makatulong.
a lot of people have asked me on this blog how difficult, or how easy, it is to plan any form of helping others, and really, it is easy. here are a few suggestions if you'd like.
1. feed the kids! kung nakasakay kayo sa sarili ninyong kotse papuntang school o opisina, o kahit carpool sa kaibigan, pwede kayong magdala ng mga pack ng crackers na pwedeng ibigay sa streetkids. hindi talaga ako naniniwala sa pagbigay ng barya sa mga bata (if you've watched films like "bunso", you will know why..) pero kung bigyan sila ng kakanin, at sana ang healthy na kakanin, nabusog pa natin sila!
2. feed more kids! kung kayo naman ng barkada o pamilya ninyo ay may isang umaga o hapon na libre kayong lahat, pwede kayong maghanda ng sandwich, na kahit keso o spread lang na palaman, ang dami dami niyo nang mapapasaya! pwede kayong magpunta sa isang distressed area at dun mamigay ng sandwich, o pwede rin kayong pumuwesto malapit sa isang busy intersection dahil maraming nakatambay na streetkids dun. masaya pa kasi madami kayong namimigay, at madami kayong nabibigyan!
3. old reading materials? sa lahat ng mga may tinagong mga libro o notebook from their high school or college days, na hindi niyo na kailangan? ay! naku! napakadaming matutulungan niyan! pumunta sa public school malapit sa inyo, o kung may kakilala kayo dun, better. kung may makausap kayong teacher or professor, matutulungan kayo na ma-distribute ang libro sa tamang edad ng mga bata.
4. reading! kung kayo ng barkada ninyo o pamilya ay may kakilala sa isang depressed area, o kung may kakilala kayo sa inyong church na nagsu-sunday school, pwede kayong mag-volunteer na mag-storytelling sa mga bata. don't forget to point out the moral lesson of the story! di din kailangan material thing ang ibigay diba, minsan, kahit oras mo lang ang ibigay mo, napakalaking bagay na yun.
5. volunteer! busy talaga kapag pasko ang mga grupo tulad ng gawad kalinga dahil marami ang gusto mag-volunteer para makatulong. mabuti yun! everything is on the internet now, so if there is a group you would like to help, madali lang hanapin yun sa yahoo or sa google. kung nahihiya kayo, mag-imbita kayo ng kaibigan para samahan kayo. that way, you also have someone to share your experience with.
6. pay it forward. madami din akong kilalang barkada, na imbis na magbigayan ng regalo tuwing pasko, kung anuman ang dapat igagastos nila para pambili ng regalo sa isa't isa, ay igagastos na lang nila sa pamimigay ng mga pagkain, school materials, o damit sa ibang tao. sa totoo lang, diba sa iba nating mga kaibigan, pareho lang ang binibigay natin bawat pasko, at bihira lang naman din nila ginagamit ang binigay natin. kung makapagbigay tayo sa ibang tao, na hindi kasingpalad natin sa buhay, ang laki ng saya na maibibigay natin diba?
and the list can go on and on!
diba graaabe ang sayang naibibigay kapag nakapagpasaya ka ng ibang tao? yung talagang kita mo yung kislap sa mata nila at kita mo ang laki ng ngiti nila? wala talaga sa laki ng halagang binigay ang halaga ng pagbigay sa kapwa. giving love is all about just that, the love that we give. whether limang piso yan o isang libong piso, kapag galing sa puso at talagang intensyon mo na magpasaya at makapag-inspire sa kapwa, yun talaga ang mahalaga.
happy love-giving this christmas!